Home OPINION MAGSYOTANG VICE MAYORS ‘PASINGAW’ OPERATORS

MAGSYOTANG VICE MAYORS ‘PASINGAW’ OPERATORS

KALAT ang tsismis sa lalawigan ng ala-e (Batangas) ang tungkol sa  dalawang bise alkalde na pinagtagpo ng pagkakataon dahil sa ‘paihi’ business  na sa kalaunan ay naging magkasosyo’t magsing-irog.

Ang kuwento ng dalawang halal na opisyal na tatawagin nating sina ‘pasingaw lovers’ ay nagawang itago  sa loob ng ilang taon ang kanilang relasyon pero may kasabihan nga na “walang sekretong hindi nabubunyag.”

Nabuking ang relasyon ng dalawa nang salakayin o bulabugin kamakailan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation- Batangas City Office ang kanilang pasingaw o paihi operations.

Siyempre, NBI ‘yan na makulit sa pagkuha ng impormasyon kaya ang buong detalye ng kanilang illegal activities at ‘private affair’ ay nakalkal at pinagpipiyestahan ngayon ng mga kababayan.

Ang kumakalat pang tsismis, ang nasabing magsyotang vice mayors na tumatabo ng limpak- limpak na kita sa paihi ay parehong  balak tumakbo sa pagka-alkalde sa kani-kanilang bayan.

Dahil nabisto ang relasyon at iligal na paihi operation, sila ngayon ang tema ng mainit na usap-usapan na tiyak na makaaapekto sa kanilang planong pagtakbo sa May 2025 elections.

Si Mayor Fulgencio ‘Pong’ Mercado ng Taal, Batangas  kung saan nagkukuta ang paihi den nina ‘pasingaw lovers’ ay target din ng kritisismo dahil daw sa ‘di pagkilos  nito laban sa naturang iligal na negosyo.

Ang imbakan ng nakaw na petroleum products ng magkalaguyong vice mayors sa Barangay Laguile, Taal, Batangas ay ni-raid ng agents ng NBI Batangas field office unang linggo ng Hunyo.

Pero tatlong araw pagkatapos ay nakapagtatakang naisauli ang drums ng nakumpiskang petroleum products sa NBI operations at balik ang paihi business nina ‘pasingaw lovers’.

Para mawala ang duda, dapat sigurong silipin ng Manila’s Finest sharp shooter turned Judge at ngayo’y NBI director Jimmy Santiago ang kumakalat na balitang ito hinggil sa premier investigating body.

Abangan natin ang aksyon ni Dir. Santiago.