Home TOP STORIES Mahigpit na batas vs fake news, ipinatupad sa SoKor

Mahigpit na batas vs fake news, ipinatupad sa SoKor

1
0

SEOUL, South Korea – Nagsimula nang ipatupad ng South Korea ang binagong batas laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa internet.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga taong sadyang nagpapakalat ng ilegal na maling o minanipulang impormasyon ay maaaring pagbayarin ng hanggang limang beses ng halaga ng pinsala. Ang mga paulit-ulit na lalabag na napatunayang nagkasala ng korte ay maaari ring pagmultahin ng hanggang 1 bilyong won (humigit-kumulang $655,000).

Inatasan din ang malalaking online platforms tulad ng Naver, Kakao, Google, at Meta na maglagay ng sistema para sa pagrereport ng maling impormasyon at maglabas ng transparency report kada anim na buwan tungkol sa mga reklamo at aksyong ginawa.

Ipinatupad ang batas habang dumarami ang kaso ng online misinformation sa South Korea, kabilang ang mga maling ulat tungkol sa politika at mga kilalang personalidad. Isa sa mga kamakailang kaso ay ang isang YouTuber na gumamit umano ng AI-generated audio upang gumawa ng maling alegasyon laban sa aktor na si Kim Soo-hyun.

Gayunman, ikinababahala ng oposisyon, media groups, at mga eksperto na maaaring malimitahan ang kalayaan sa pagpapahayag dahil hindi malinaw ang depinisyon ng “false o manipulated information.” Ayon sa kanila, maaari itong magdulot ng labis na pag-aalis ng online content at maghikayat ng self-censorship. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here