Home HOME BANNER STORY Mainit, maalinsangang panahon, asahan ngayong weekend

Mainit, maalinsangang panahon, asahan ngayong weekend

104
0

MANILA, Philippines – Maraming bahagi ng Pilipinas ang makararanas ng mainit at tuyong panahon ngayong weekend, Abril 11 at 12, ayon sa PAGASA.

Sa kanilang lingguhang ulat, sinabi ng weather bureau na maaapektuhan ng ridge o extension ng high pressure area ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at karamihan ng Central Luzon. Dahil dito, magiging maaliwalas ang panahon sa mga lugar na ito dahil napipigilan ang pagbuo ng ulap.

Ang natitirang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila, ay makakaranas din ng maaraw at maalinsangang panahon.

Gayunman, posibleng magkaroon ng mga pag-ulan o thunderstorms sa hapon, lalo na sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa Easterlies o mainit na hanging mula sa Pacific.

Samantala, inaasahang maaaring pumasok o dumaan malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Sinlaku sa susunod na linggo, ngunit magpapatuloy ang maulap na kalangitan, ayon sa PAGASA noong Biyernes.

Huling namataan ang bagyo alas-2 ng hapon, nasa layong 2,730 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao, at halos hindi kumikilos. Kapag pumasok ito sa PAR, tatawagin itong “Caloy.”

“It is not expected to bring significant impacts on the country’s weather conditions,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahang maaaring pumasok o dumaan malapit sa PAR ang bagyo mula Miyerkules hanggang Biyernes.

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na magpapatuloy ang bahagyang maulap hanggang maulap na panahon sa buong bansa.

Posible rin ang localized rain showers at thunderstorms, lalo na sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here