Home ENTERTAINMENT Maki, sini-ship kay BINI Maloi!

Maki, sini-ship kay BINI Maloi!

306
0

Manila, Philippines — Hindi biro ang pinagdaanan ni Maki bago pa man siya nakilalang magaling na singer at composer.

Aniya, noon daw ay halos walang pumapansin sa kanyang musika.

Nag-pay off naman ang efforts niya nang may magbigay sa kanya ng break at mag-hit ang kanyang kantang “Dilaw.”

Naging pasaporte rin iyon para magkasunod-sunod ang kanyang hits at makapag-ipon siya.

Sa panayam ni MJ Felipe, masayang-masayang itinour niya ang entertainment anchor sa kanyang bagong bahay na nabili para sa nanay at kapatid.

Ayon pa sa singer, ang mga kanta niya ay inspired ng mga kulay dahil may koneksyon daw iyon sa mga kabanatang pinagdaraanan ng isang tao sa kanyang buhay.

Nang matanong naman ang nanay ng singer kung may lovelife na ang anak, pinangunahan na ni Maki ang ina sa pagsasabing wala pa siyang pinopormahan.

Sey naman ng kanyang mudra, kung siya raw ang masusunod ay bet niyang ireto ang anak kay BINI Maloi na naka-collab ni Maki sa music video ng “Dilaw.”

Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here