Home NATIONWIDE Malakanyang, kaisa business groups sa panawagang iwasan maling paggamit ng 2027 national...

Malakanyang, kaisa business groups sa panawagang iwasan maling paggamit ng 2027 national budget

1
0

MANILA, Philippines – Kaisa ng mga business group ang administrasyong Marcos sa panawagan na iwasan ang maling paggamit ng pondo ng panukalang 2027 national budget.

Nauna rito, nanawagan ang grupo ng mga negosyante at civil society sa Kongreso na tiyaking malinis at walang anumang “singit” o unprogrammed budget insertions ang panukalang 2027 national budget.

Babala ng mga grupo, kailangang siguruhin ng mga mambabatas na walang makakalusot na pondong walang sapat na technical justification upang maiwasan ang “ghost projects” at sub-standard na mga proyekto sa pambansang badyet.

Partikular na pinuna ng koalisyon ang higit ₱180 bilyon na diumano’y idinagdag sa panukalang badyet ng Department of Public Works and Highways o DPWH — ang ahensyang kasalukuyang nasa gitna ng kontrobersya ukol sa mga flood control project.

Sa kailang dako, sinabi naman ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na suportado ng Pangulo ang panawagan para sa isang transparent at malinis na 2027 budget.

“The national budget is a law drafted by Congress. The Marcos Jr. administration shares the call to prevent the misuse of public funds,” anito.

“The executive branch also hopes that the proposed budget will no longer be reduced, if doing so would delay government programs and projects,” aniya pa rin.

Tinuran ni Castro na isinumite na ng budget department ang panukalang 2027 budget sa mga mambabatas.

Sinabi pa ni Castro na ang Kongreso ang may hawak ng “power of the purse” – mayroon itong kapangyarihan na itaas, bawasan o suriin ang panukalang alokasyon. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here