Home NATIONWIDE Malakanyang kina Marcoleta, Defensor: Sagutin mga alegasyon sa korte

Malakanyang kina Marcoleta, Defensor: Sagutin mga alegasyon sa korte

1
0
Boluntaryong nagtungo upang sumuko ngayong Lunes ng umaga, Hulyo 6, 2026, si Senador Rodante Marcoleta sa hurisdiksyon ng Sandiganbayan matapos maglabas ang anti-graft court ng warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng Malakanyang sina Sen. Rodante Marcoleta at dating Cong. Mike Defensor na sagutin ang alegasyon sa korte.

Binigyang diin ng Malakanyang na ginagalang ng administrasyon ang judicial processes at hindi kailanman makikialam sa justice system ng bansa.

Nauna rito, inaresto si Marcoleta sa bisa ng arrest order na ipinalabas ng Sandiganbayan.

Sakop din ng arrest order ang dating mambabatas na si dating Congressman Mike Defensor at dalawang negosyante na ayon sa anunsyo ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ay inaresto na rin si Defensor.

Kasama sa mga inaresto ay ang businessman na si Joseph Espiritu, sa isang coffee shop sa Quezon City nito lamang tanghali ng Lunes, Hulyo 6.

Sina Defensor at Espiritu ay co-accused ni Senador Rodante Marcoleta para sa kasong plunder.

Ang naturang kaso ay non-bailable.

Sinabi pa Castro na ginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging hakbang ng Sandiganbayan Third Division na magpalabas ng arrest order laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng non-bailable plunder charges laban sa kaniya dahil sa umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyon na campaign donations.

“Kung iyan po ang isinasaad at sinasabi ng batas at iyan naman po ang kautusan ng korte, iyan naman po ay irerespeto ng Pangulo,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, Hulyo 6.

Sa kabiang dako, sinagot naman ni Castro ang mga pahayag ni Defensor na siya at si Marcoleta na nauna pa silang ipinakulong ng administrasyong Marcos sa halip na ang mga tunay na magnanakaw, winika ni Castro na dapat ay minadali ng mga ito, Marcoleta at Defensor na magsumite ng konkretong ebidensiya sa mga awtoridad sa halip na magngangawa sa media.

“Iyon nga po, sana po ay minadali din nila ang pagbibigay ng mga ebidensiya – kongkretong ebidensiya, hindi lang puro pa-media,” ayon kay Castro.

“Mas magkakaroon po ng resolusyon at ng solusyon kung sila ay nagsumite kaagad ng mga kongkretong ebidensiya para kung sino iyong mga tao na nais nilang papanagutin ay napanagot na po sana, nadala na po sana sa korte ang mga kasong kanilang idudulog,” aniya pa rin.

At nang hingan ng reaksyon si Castro sa iginiit ni Defensor na ang kasong inihain laban sa kanya at kay Marcoleta ay walang legal na basehan.

Ang payo ni Castro kay Defensor ay “Sa korte na lamang po nila ito gawin at depensahan.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here