Home NATIONWIDE Malakanyang, nakatakdang magpataw ng P50/kilo price cap sa imported rice

Malakanyang, nakatakdang magpataw ng P50/kilo price cap sa imported rice

161
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Martes na magpapalabas siya ng executive order para magpataw ng P50 price cap sa bawat kilo ng imported well-milled rice.

“Ilalabas natin ang Executive Order para maipatupad na ito sa lalong madaling panahon,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang presidential address kasunod ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Committee meeting, araw ng Lunes.

“Pinalalawak din ang P20 rice program. May 627 na center sa buong bansa. Ito’y naging mas malawak dahil dati ang aming pino-provide sa PhP20 rice ay 600 tons, at ngayon umakyat na sa 2,000 tons dahil tumaas ang demand,” ang sinabi pa ng Pangulo.

Ang hakbang ay base sa rekumendasyon ng National Price Coordinating Council, isang government body na responsable para sa “coordinating, monitoring, at pagtatatag ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at pangunahing kalakal.

Winika ng Pangulo na sa kasalukuyan, ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan at pangunahing kalakal ay nananatili sa suggested retail price (SRP) levels kabilang na ang bigas.

Ang gobyerno ayon sa Pangulo ay ginagawa ang lahat ng paraan para kontrolin ang presyo ng 205 commodities sa gitna ng kasalukuyang energy emergency.

“Patuloy tayong nakikipag-usap sa manufacturer at retailer na hindi sila magtaas muna ng presyo hanggang sa susunod na buwan,” aniya pa rin.

Matatandaang, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order No. 110 na nagdedeklara ng state of national energy emergency, nagpapatupad ng UPLIFT, at paganahin ang whole-of-government response para matiyak ang katatagan ng suplay ng enerhiya, suportahan ang mahahalagang sektor tulad ng transportasyon, agrikultura, at MSMEs, at maprotektahan ang mga Pilipino sa gitna ng problema sa pandaigdigang suplay ng langis.

Ayon sa EO, ang UPLIFT ay nagsisilbing balangkas ng organisadong pagtugon ng gobyerno, na binubuo ng mga hakbang sa pamamahala ng suplay ng enerhiya na ipatutupad ng Department of Energy, at mga kaakibat na ahensya, at mga karagdagang hakbang upang suportahan ang mga konsyumer at apektadong sektor. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here