Home NATIONWIDE Malakanyang nakikipag-ugnayan sa BSP, economic team sa humihinang piso

Malakanyang nakikipag-ugnayan sa BSP, economic team sa humihinang piso

303
0

MANILA, Philippines – Mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng Malakanyang sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at economic team ng bansa para tugunan ang patuloy na pagbaba ng piso.

Ito’y matapos na tumama ang local currency sa bagong all-time low na P59.22 laban sa US dollar.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang bagay na ito ay pag-uusapan sa isang pagpupulong na nakatakda bukas, araw ng Huwebes, Disyembre 11.

“We are working with the BSP and the economic team. At bukas po magkakaroon sila ng meeting,” aniya pa rin nang hingan ng reaksyon sa pinakasariwang record low ng piso.

Magkakaroon din ang central bank’s policy-making Monetary Board ng huling rate setting nito para sa taon.

Nagsara ang piso sa P59.22 laban sa U.S. dollar, araw ng Martes, sinasabing tumama sa pinakamababang antas.

Para sa mga analysts, ang paghina ng piso ay dahil sa naging paglakas ng U.S. dollar at paglaylay ng local confidence.

At nang tanungin kung nag-aalala ang administrasyon na ang mas huminang piso ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong holiday season, sinabi ni Castro na ang usapin ay tatalakayin sa miting.

“Tignan po natin. Malamang ay matatalakay ito bukas,” ang sinabi pa rin ni Castro. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here