Home Uncategorized Malakanyang, pinaikli ang gov’t work hours sa Sept. 23 para sa Family...

Malakanyang, pinaikli ang gov’t work hours sa Sept. 23 para sa Family Week

219
0

PINAIKLI ng Malakanyang ang ‘work hours’ sa mga tanggapan ng gobyerno sa darating na Lunes, Setyembre 23 bilang paggunita sa ika-32 National Family Week at Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Sa katunayan, nagpalabas ang Malakanyang ng Memorandum Circular (MC) 64, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nito lamang Setyembre 12, nagsasaad na ang trabaho sa ehekutibong sangay ng pamahalaan ay suspendido mula alas-3:00 ng hapon hanggang sa pasulong ng araw.

Kinilala ng MC 64 ang pangangailangan para sa mga empleyado ng gobyerno na magdiwang kasama ang kanilang pamilya sa National Family Week at Kainang Pamilya Mahalaga Day.

“This Office also encourages all government workers in the Executive branch to fully support the programs and activities relative to the observance of Family Week, as organized by the National Committee on the Filipino Family,” ang nakasaad sa kautusan.

Hinikayat naman ng memorandum circular ang suspensyon sa trabaho sa lahat ng sangay ng gobyerno, independent commissions o bodies, at pribadong sektor para magkaroon ang lahat ng Pamilyang Filipino ng ganap na oportunidad para ipagdiwang ang ika-32 National Family Week.

Gayunman, inatasan ng MC 64 ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na ang trabaho ay may kinalaman sa ‘basic at health services, preparedness, pagtugon sa mga sakuna at kalamidad at pagganap sa iba pang mahalagang serbisyo na ipagpatuloy ang kanilang operasyon at magbigay ng kinakailangang serbisyo.

Matatandaang taong 1992, ipinalabas naman ang Proclamation 60 na nagdedeklara ng Family Week sa huling linggo ng Setyembre ng bawat taon.

Sa kabilang dako, ang Kainang Pamilya Mahalaga Day ay idinadaos naman tuwing ika-apat na Lunes ng Setyembre ng bawat taon, sa bisa ng Proclamation 326 na ipinalabas noong 2012.

Ginugunita ng bansa ang National Family Week para palakasin at i-promote ang pagkakaisa, katatagan at pananatili ng Pamilyang Filipino bilang pangunahing bahagi ng ‘Filipino society.’

Ang Kainang Pamilya Mahalaga Day ay ipinagdiriwang naman taun-taon upang bigyang-diin at ipagdiwang ang kahalagahan ng Pamilyang Filipino na nagsasalo-salo sa pagkain bilang national tradition.

Samantala, ang National Committee on the Filipino Family, may mandato na i-promote ang pamilya bilang pundasyon ng bansa, nangangasiwa sa pambansang pagdiriwang ng Kainang Pamilya Mahalaga Day. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here