MANILA, Philippines – Maaaring maapektuhan ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang silangang bahagi ng Northern Luzon dahil sa epekto ng shear line.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng ganitong uri ng panahon ngayong Miyerkules, Disyembre 4, ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Iiral naman ang Northeast Monsoon o Amihan sa Batanes na magdadala ng maulap na kalangitan na may isolated rains sa Batanes.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC