MANILA, Philippines – Nagbigay ng mahigit 1,000 libreo ang pamahalaan ng Malaysia sa pamamagitan ng Embahada nito sa Pilipinas, kasama ang isang book retailer firm, para sa mga estudyante sa Marawi City, Lanao del Sur.
Sa panayam, sinabi ni Malaysian Ambassador Dato Abdul Malik Melvin Castelino na ang ugnayan sa Big Bad Wolf Books chain ay inaasahang magpapalakas sa magandang ugnayan ng Pilipinas kasabay ng pagpapabuti sa literacy rate sa Mindanao.
“We hope that this partnership will be the start of expanding this project, aiming for the whole Mindanao (schools) to be recipients,” ani Castelino kasabay ng symbolic turnover ng mga libro.
Ani Castelino, ang mga donasyon ng Big Bad Wolf Books ay pinadaan sa Mindanao State University sa ilalim ng King Faisal Center for Islamic, Arabic, and Asian Studies.
Samantala, nakipag-ugnayan din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa reading project nito at tukuyin ang mas marami pang mga paaralan sa Lanao del Sur at Mindanao.
Sa Lanao del Sur, karamihan umano sa mga bata ay tumutuloy sa mga boarding schools na kilala bilang “toril.”
“With the overwhelming population in torils, these schools are dependent on private donations,” sinabi ni DSWD Undersecretary Fatimah Aliah Dimaporo.
Ang mga donasyon sa mga estudyante sa Marawi City ay bahagi ng inisyatibo ng Big Bad Wolf Book sa pagbubukas nito ng 18-day sale, kauna-unahan sa lungsod.
Nagsimula ang Big Bad Wolf sa Malaysia na layong simulan ang reading habit ng mga nakababatang henerasyon at ang kanilang pagmamahal sa pagbabasa. RNT/JGC