Home NATIONWIDE Maliliit na negosyo hinikayat ni Roque, samantalahin programa ng pamahalaan

Maliliit na negosyo hinikayat ni Roque, samantalahin programa ng pamahalaan

1
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque ang mga may-ari ng maliliit na negosyo na makipag-ugnayan sa ahensya upang mapakinabangan ang mga programang makatutulong sa pagpapalawak ng kanilang negosyo, kabilang ang pagpasok sa pandaigdigang merkado.

Sa pagbubukas ng tatlong araw na Wedding Fair sa SM Aura Premier sa Taguig City nitong Biyernes, sinabi ni Roque na patuloy na isinusulong ng administrasyong Marcos ang pagpapalakas ng pag-export ng mga produktong gawa ng Pilipino.

Ayon sa kanya, tumaas ng 15.4 porsiyento ang halaga ng exports noong nakaraang taon, na pinakamataas na naitala sa bansa.

Aniya, nananatiling maganda rin ang takbo ng exports ngayong taon, na aniya’y bahagi ng epekto ng Republic Act No. 11981 o ang Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act, na naglalayong palakasin ang mga lokal na negosyo at gawing mas moderno ang mga industriya sa bansa.

“What does this rise in export tell us? That the products are now ready for the global space. So, for any of you here that want to explore the export market, the DTI is here to assist you as best and as aggressive as we can,” ani Roque.

Sinabi rin niya na maaaring makatulong ang 29 trade attachés ng Pilipinas at 21 overseas offices ng DTI sa iba’t ibang panig ng mundo upang mabigyan ng oportunidad ang mga negosyante na maipagbili ang kanilang mga produkto sa international market.

Bagama’t nananatiling electronics at auto parts ang pangunahing iniluluwas ng bansa, sinabi ni Roque na mabilis ding lumalawak ang pandaigdigang merkado para sa mga produktong agrikultural tulad ng niyog, saging, pinya, ube at calamansi.

“So again, if you are in that industry, please feel free to coordinate with us. We will definitely make sure that we get things done. We are very proud of this and we are going to make sure that you can get your products out there as soon as possible,” dagdag niya.

Nanawagan si Roque sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na samantalahin ang suporta ng DTI upang mapalawak ang kanilang negosyo at maipakilala ang de-kalidad na produktong Pilipino sa pandaigdigang merkado. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here