MANILA, Philippines – Ayon kay Bicol Saro patry-list Rep. Terry Ridon na ang pagpasok ng isang P96 milyong proyekto sa Plaridel, Bulacan na kalaunan ay kinuha ng Wawao Builders at itinuring na isang ghost project ay maaaring ginawa ng alinman sa isang senador o isang miyembro ng House of Representatives.
“P96-M Wawao Builders project inspected and deemed ghost project by DPWH (Department of Public Works and Highways) Sec Vince Dizon is a Congressional insertion in the bicameral conference committee,” saad ni Ridon.
Aniya, hindi ito makikita sa National Expenditures Program (NEP) or sa House’s version ng General Appropriations Bill (GAB).
“Not in the NEP. Not in the HGAB,” dagdag niya.
Sa ilalim ng proseso ng badyet, ang ehekutibong ay nagsusumite sa Kamara ng kanilang panukala, sa pamamagitan ng NEP. Pagkatapos ay sinisiyasat ito ng Kamara, at nagkakaroon ng bersyon nito na tinatawag na House GAB.
Pagkatapos ng pag-apruba, ipinapadala ng Kamara ang GAB sa Senado para sa sarili nitong deliberasyon. Kung may mga pagkakaiba sa mga bersyon ng Kamara at Senado ng GAB, isang bicameral conference committee meeting ang ipapatawag upang makabuo ng pinag-isang panukala.
Tiniyak ni Ridon sa publiko na hindi palalampasin ng infra-committee ang sinuman, kahit na ang pagsisiyasat ay tumuturo sa mga miyembro ng Kongreso. RNT/MND