Home METRO Manhunt ops ng Pasay police vs 2 suspek, ikinasa

Manhunt ops ng Pasay police vs 2 suspek, ikinasa

279
0

PASAY CITY, Philippines – Inihayag ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ang kanyang pagkondena sa insidente ng panloloob sa isang establisimiyento sa lungsod kung saan 13 masahista ang ninakawan at dalawa pa sa mga ito ang halinhinang ginahasa ng mga suspek nitong nakaraang Biyernes ng madaling araw, Agosto 29.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng mga suspek at wala itong kapatawaran at puwang sa lungsod.

Kasabay nito ay inatasan ni Calixto-Rubiano si city police chief P/Col. Joselito De Sesto ang pagsasagawa ng malawakang manhunt operation laban sa dalawang suspek.

Kaugnay nito ay ipinag-utos din ng alkalde ang karagdagan ng police visibility upang masiguro ang kaligtasan ng bawat residente sa buong lungsod para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

“With the help of our Pasay police and other agencies, we are certain that justice will be served,” ani Calixto-Rubiano.

Naniniwala si Calixto-Rubiano na agad na madarakip ng lokal na kapulisan ang mga suspek dahil maliwanag ang kanyang direktiba na walang puwang ang mga masasamang loob sa lungsod.

“Agad nating inatasan ang ating kapulisan to extend their patrolling all-over the city at dagdagan ang police visibility. Peace and order channels and systems in the city are in place and will be intensified moving forward at kailangan palakasin pa ang 24/7 na pagbabantay ng ating kapulisan,” dagdag pa ng alkalde.

Samantala, nagpahatid din ng mensahe si Calixto-Rubiano sa mga biktima na nakahandang magbigay ng kinakailangang tulong ang lokal na pamahalaan lalo na sa dalawang biktima ng panghahalay.

“The Pasay City Local Government Unit is committed to providing not just judicial support, but also holistic support and assistance to all victims and families,” pagtatapos ng alkalde. (James I. Catapusan /Dave Baluyot)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here