MANILA, Philippines – Nagtatangka ring makabalik ng Senado si dating Senador Manny Pacquiao kung saan nagsumite na rin ng kanyang kandidatura sa huling dalawang araw ng Certificate of Candidacy (COC) filing.
Tatakbo ito sa pagka-senador sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas ngunit sumama rin sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas dahil sa gumagandang ekonomiya ng bansa at pagdami ng trabaho para sa mga Pilipino.
Aminado si Pacquiao na napuna niya si Pangagulong Ferdinand Marcos Jr. noong Presidential election pero dahil sa nakita niya ang magandang sitwasyon ngayon ng Pilipinas ay dapat din daw purihin at samahan ito.
Pinuna rin ni Pacquiao ang ilang pulitiko na tuwing eleksyon ay mababait at puro pangako na ginagawang negosyo ang pulitika.
Diin ng dating Senador sa publiko, dapat imulat ang mga mata dahil ang katotohanan aniya sa ating bansa tuwing halalan ay ginagawang negosyo ng mga pulitiko na gahaman sa pera at di iniisip ang kapakanan at kinabukasan ng sambayanang Pilipino.
Kailangan na rin aniyang mawala ang korupsyon sa bansa dahil ito ang nagpapabagsak sa ating ekonomiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden