Home NATIONWIDE Manuel Parlade, itinalagang OIC ng OSAA

Manuel Parlade, itinalagang OIC ng OSAA

76
0

MANILA, philippines – Itinalaga si Manuel Parlade bilang officer-in-charge (OIC) ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) matapos ang preventive suspension ni retired Police Major General Aplasca.

Ipinataw ng Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension kay Aplasca habang isinasagawa ang fact-finding investigation kaugnay ng pamamaril na nangyari sa Senado noong Mayo 13.

Si Parlade ay kasalukuyang Director III ng OSAA. Siya rin ang tumulong sa pagsilbi ng subpoena at arrest order laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy dahil sa umano’y hindi pagdalo sa mga legislative hearings na may kaugnayan sa alegasyon ng human trafficking, panggagahasa, at child abuse noong 2024.

Noong nakaraang linggo, may ilang putok ng baril na narinig sa loob ng Senado habang may lockdown, na nagdulot ng takot at pangamba sa mga tao sa loob ng gusali ng Mataas na Kapulungan.

Ayon sa mga ulat, naganap ang insidente habang si Senator Ronald “Bato” Rosa ay nasa ilalim pa ng protective custody ng Senado.

Sinabi rin ng Malacañang noong Huwebes na si Aplasca ang nagpauna ng “warning shot” sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here