Home METRO Manugang senglot nakatatlong ‘putok’ sa harap ng biyanang ‘hilaw’

Manugang senglot nakatatlong ‘putok’ sa harap ng biyanang ‘hilaw’

257
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang lalaking lasing na walang habas na nagpaputok ng baril sa bahay ng kasintahan sa bayan ng Marilao nitong Nobyembre 17.

Sa ulat ni PLTCOL Jordan Santiago, hepe ng Marilao police station, kinilala ang suspek na si alyas “Mark”, 32, residente ng Brgy. Patubig.

Ayon sa ulat ng istasyon, naganap ang insidente bandang 7:00 ng gabi sa nasabing lugar.

Nabatid na pumasok ang lasing na suspek sa bahay ng biyanan niyang “hilaw” at hinanap ang anak nito na kanyang dating live-in partner.

Kasunod nito, walang kaabog-abog na ilang beses nagpaputok ng baril ang lasing na suspek.

Nang makarating sa istasyon ang nangyari ay agad rumesponde sa lugar kaya naaresto ang suspek at narekober ang Daewoo DP51 9mm Para pistol na walang legal na dokumento at tatlong basyo.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here