Home METRO Marami pang artificial dam nabuo sa DavOcc matapos ng malakas na lindol

Marami pang artificial dam nabuo sa DavOcc matapos ng malakas na lindol

1
0

DAVAO OCCIDENTAL, Philippines – Nadagdagan pa ang mga artificial dam na nabuo sa Jose Abad Santos, Davao Occidental matapos ang magnitude 7.8 na lindol, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Bukod sa naunang landslide dam sa Barangay San Isidro, may tig-isang artificial dam din sa Barangay Sugal, Camalian, at Bukid, dalawa sa Barangay Butuan, at may isa pang iniimbestigahan sa Barangay Butulan.

Ayon sa mga responder, nahihirapan silang magsagawa ng operasyon dahil sa masamang panahon at mahirap na daanan. Dahil dito, hindi pa ligtas na magsagawa ng ilang operasyon.

Naresolba na ang landslide dam sa Barangay San Isidro matapos gumawa ng daanan upang makadaloy ang naipong tubig papunta sa Nuing River.

Magpupulong ang Office of Civil Defense-Davao (OCD-11), Mines and Geosciences Bureau (MGB-11), at iba pang ahensya upang pag-usapan ang mga hakbang para matugunan ang sitwasyon sa iba pang apektadong barangay. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here