Home METRO Marawi City vice mayor inaresto ng NBI

Marawi City vice mayor inaresto ng NBI

165
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad si Marawi City Vice Mayor Annouar Romuros Abedin Abdulrauf umaga noong Lunes, Disyembre 2, 2024 sa bisa ng warrant for murder na inisyu ng korte sa Caloocan City.

Ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang Task Force Marawi, Marawi City Police Station, at militar ay nagsilbi ng warrant laban sa bise alkalde sa compound ng City Hall.

Nakatakdang i-turn over ang opisyal sa korte na naglabas ng warrant.

Hindi pa ibinunyag ng mga awtoridad ang mga detalye ng kaso, habang isinusulat ito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here