Home HOME BANNER STORY Marcoleta nagpiyansa ng P90,000 sa kasong pagtanggap ng donasyon

Marcoleta nagpiyansa ng P90,000 sa kasong pagtanggap ng donasyon

3
0

MANILA, Philippines – Nagpost ng P90,000 bail si Sen. Rodante Marcoleta nitong Huwebes kaugnay ng tatlong kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 46, dahil sa pagtanggap umano niya ng P75-milyong donasyon habang incumbent Sagip party-list representative.

Nagpiyansa si Marcoleta sa Sandiganbayan Fourth, Sixth at First Divisions, kung saan nakabinbin ang tatlong PD 46 cases. Ipinagbabawal ng batas sa mga public official ang direkta o hindi direktang pagtanggap ng regalo o anumang benepisyo habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Kasabay nito, sinimulan ng Sandiganbayan Third Division ang pagdinig sa petisyon ni Marcoleta para sa piyansa sa hiwalay na P75-milyong kasong plunder, na may kaugnayan sa umano’y hindi idineklarang campaign donation at unjust enrichment.

Ang P75-milyong donasyon ang paksa rin ng mga kasong PD 46 laban kina Marcoleta, dating Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, Joseph Espiritu at Aristotle Viray.

Gayunman, mananatiling nakakulong si Marcoleta sa New Quezon City Jail dahil mayroon pa siyang nakabinbing plunder case. Ang plunder ay isang non-bailable offense. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here