MANILA, Philippines – Posibleng dalhin si Senator Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan sa Hulyo 15 matapos makumpleto ang kaniyang antibiotics para sa mild pneumonia, ayon sa chief ng Internal Medicine Department ng Philippine National Police Health Service General Hospital nitong Biyernes.
Sinabi ni Lt. Col. Benaly Bayani sa anti-graft court na ginagamot si Marcoleta para sa mild pneumonia, matapos unang iulat ng PNP General Hospital na hindi pa siya maaaring bumiyahe dahil sa kaniyang kondisyon at pabago-bagong blood pressure.
Nahaharap si Marcoleta sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyong campaign donations mula sa kaniyang mga co-accused na sina former lawmaker Mike Defensor at businessmen Aristotle Viray at Joseph Espiritu.
Hindi pa naglalabas ng commitment order ang Sandiganbayan dahil hindi pa humaharap si Marcoleta sa division matapos ang kaniyang booking procedure.
Ayon sa korte, dadalhin ang senador sa Quezon City Jail sa Payatas, kung saan nakakulong ang kaniyang mga co-accused. Santi Celario