Home HOME BANNER STORY Marcoleta sa Senate Blue Ribbon: Romualdez imbitahan, ‘ready to talk’ na

Marcoleta sa Senate Blue Ribbon: Romualdez imbitahan, ‘ready to talk’ na

91
0

MANILA, Philippines –  Hinimok ni Senate Deputy Minority Leader Rodante Marcoleta ang Senate Blue Ribbon Committee na imbitahan sa susunod na pagdinig si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects, at sinabing naniniwala siyang “ready to talk” o handa na itong magsalita.

Ayon kay Marcoleta, na dati ring namuno sa komite, hindi magagawa nang nag-iisa ni Romualdez ang umano’y iregularidad at posibleng alam nito kung sino ang nasa likod ng kontrobersiya.

“‘How can I be the mastermind?’ Sabi niyang gano’n. Alam mo, sa tanong lang niya na ‘yun, parang kilala niya kung sino ang mastermind,” ani Marcoleta sa panayam sa radyo, at idinagdag na “Ibig sabihin, alam niya.”

“Pero ‘yung pagsasabi niya ng gano’n, hindi niya dineny ‘yung kanyang involvement. Malinaw ‘yun. Alam niya kasama siya. ‘Hindi nga lang ako ang mastermind,’ sabi niyang gano’n. At this anomaly cannot be done by only one person. E’di alam niya talaga,” dagdag pa niya.

Sa isang video statement, mariing itinanggi ni Romualdez ang anumang papel sa umano’y korapsyon kaugnay ng 2025 national budget, at iginiit na “there is no evidence that proves that he committed plunder, conspiracy to commit plunder, or any similar offense that the Ombudsman may be contemplating against me.”

Una nang sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nabigyan na ng dalawang pagkakataon si Romualdez na dumalo at magpaliwanag sa pagdinig, ngunit hindi ito sumipot noong Nobyembre 14, 2025 at Enero 19, 2026. Bukas naman umano si Lacson na muling imbitahan si Romualdez kasama ang iba pang personalidad na sangkot sa imbestigasyon.

Giit pa ni Marcoleta, dapat nang ipatawag si Romualdez sa komite, at sinabi niyang “Dapat siyang ipatawag ngayon. Kung susumahin mo ‘yun, ang Blue Ribbon, ang gagawin niya, i-analyze niya, malinaw na malinaw, na sa public statement ni former Speaker Martin Romualdez, he’s ready to talk.”

Wala pang pahayag si Romualdez kaugnay ng panibagong panawagan na humarap siya sa komite. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here