Home HOME BANNER STORY Marcos, bukas sa visa-free travel deal sa Russia

Marcos, bukas sa visa-free travel deal sa Russia

3
0

KAZAN, Russia — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bukas siya sa posibilidad ng pagtalakay sa isang visa-free travel arrangement sa pagitan ng Pilipinas at Russia upang mapalakas ang turismo at ugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Sa panayam sa mga mamamahayag sa sideline ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan, sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang malaking hadlang sa pag-aaral ng naturang kasunduan kung makabubuti ito sa magkabilang bansa.

“We did it with India, we’ve done it with China. If it’s something that we feel will be of advantage to both Russia and the Philippines, I don’t see why not,” ani Marcos.

Ayon pa sa Pangulo, mahalagang mapalawak ang turismo sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

“That’s become the method, the order of the day now. And we very much would like to increase our tourists trade. So, that’s something that down the road maybe we can look at,” dagdag niya.

Gayunman, sinabi ni Marcos na hindi niya naiprisinta ang naturang posibilidad sa kanyang maikling pananatili sa Kazan.

Sa hiwalay na bilateral meeting, nakipagpulong din si Marcos kay Russian President Vladimir Putin kung saan muling pinagtibay ng dalawang lider ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na political dialogue at tinalakay ang pagpapalawak ng kooperasyon sa larangan ng enerhiya at seguridad sa pagkain. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here