Home NATIONWIDE Marcos: Protektahan mga Pinoy sa gitna ng kaguluhan sa Europe

Marcos: Protektahan mga Pinoy sa gitna ng kaguluhan sa Europe

1
0

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya na tiyaking ligtas at natutugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong maaaring maapektuhan ng mga kilos-protesta at kaguluhan sa ilang bahagi ng Europe.

Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, pangunahing direktiba ng Pangulo sa ganitong sitwasyon ang proteksiyon at kapakanan ng mga overseas Filipino.

“Kahit na anong kaguluhan, ang Pangulo po ang unang pinoprotektahan ay ang OFW,” ani Castro.

Sinabi rin ng Malacañang na maaaring magsagawa ng repatriation kung kinakailangan at kung nanaisin ng mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan na makauwi sa bansa.

Mahigpit na minomonitor ng Department of Migrant Workers ang sitwasyon, partikular sa Milan, Italy, habang binabantayan din ng pamahalaan ang mga development sa France at iba pang bahagi ng Europe.

Umaasa rin ang Palasyo na mapayapang matatapos ang mga kaguluhan at hindi maaapektuhan ang planong pagdalo ng mga European leader sa ASEAN Summit sa Manila sa susunod na buwan.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa mga Philippine diplomatic mission sa Europe upang matiyak ang kaligtasan at agarang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here