Home HOME BANNER STORY Mardriaga: ‘I felt betrayed’ sa ‘di pagtulong ni VP Sara sa kaniyang...

Mardriaga: ‘I felt betrayed’ sa ‘di pagtulong ni VP Sara sa kaniyang kidnapping case

108
0

MANILA, Philippines – Aminado si Ramil Madriaga na ginawa nito ang lahat para suportahan si Vice President Sara Duterte ngunit sa huli ay hindi sya ipinagtanggol sa kinahahaharap na kidnapping case na isinampa sa kanya ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque matapos nyang ibunyag ang land grabbing sa Bataan.

Sa pagharap ni Madriaga bilang testigo sa impeachment hearing na ginagawa ng House Committee on Justic,  inamin nito na sumama ang kanyang loob kay Duterte dahil wala itong ginawa para pigilan ang kaso na isinampa ni Roque na kilalang malapit sa mga Duterte.

“I felt betrayed that despite all my efforts to support Sara — to the extent of even committing high-risk acts for her and her family, she did not lift a finger to stop Atty. Roque, who is her known ally and supporter, from filing the unfounded kidnapping case against me,” pahayag ni Madriaga told the House Committee on Justice during Tuesday’s hearing.

Ani Madriaga ang isinampang kidnapping case laban sa kanya ni Roque ay nag-ugat sa ginawa nyang pagbubunyag  sa POGO-related land grabbing sa Bataan, aniya, ang intensyon nya sa pagbubunuyag ng land grabbing ay para tulungan ang mga magsasaka sa Bataan na pinangakuan ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Giit ni Madriaga lumitaw na ang mga kinukuwestiyong lupa ay pag aari ni Roque at ilang partners nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Minsan umano syang binisita ni Duterte sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong October 2025 at humingi ito ng paumanhin sa hindi pagtulong sa kaso.

Itinaggi ni Roque ang land grabbing isyu subalit nanindigan si Madriaga na totoo ito, aniya, ang POGO partners ni Roque na si Danny Corral ay presidene ng First Bataan Mariveles Holdings Corp at incorporator din ng Lucky South 99 Outsourcing Inc.

Si Roque ang sinasabing nangasiwa sa pagtransfer ng 60 land titles pabor kay Corral, ang nasabing mga lupa ay para gawing POGO hub.

Si Roque ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa naging papel nito bilang abogado ng real estate firms na Whirlwind Corporation at Lucky South 99.

Si Madriaga ay testigo laban kay Duterte sa kinahaharap nitong impeachment, sa pagharap nito sa hearing ng komite ay inilahad nya na ang P125M confidential funds ay nagastos sa loob lamang ng 24 oras at hindi 11 araw batay sa findings ng Commission on Audit gayundin ay inilahad nito ang pagbibigay nya ng pera na nakalagay sa duffle bag para sa mga opisyal ng Office of the Ombudsman at ilang personalidad na malapit sa Pangalawang Pangulo.

Sinabi rin niya na dati siyang tumulong kay Duterte at nag-deliver pa umano ng mga bag ng pera sa iba’t ibang indibidwal batay sa utos.

Giit niya, may koneksyon din ang ilang bank accounts na ginagamit umano para sa malaking halaga ng pera na dumadaan sa mga transaksyon na may kaugnayan sa operasyon at iba pang layunin.

“These were opened by people close to PRRD… for intelligence operation and for laundering,” aniya, tumutukoy kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Madriaga, ilang beses umano siyang pinapakuha ng tig-P100 milyon na pera na dinala sa Malacañang, pati na rin mga tseke na milyun-milyon ang halaga na nakapangalan sa kanya.

Dagdag niya, minsan ay pinapapirma siya sa blank checkbook at nakakatanggap siya ng bayad na umaabot sa P100,000 hanggang P150,000 para sa kanyang “services.”

Giit din niya, hindi siya ang nagbukas ng mga naturang bank accounts.

Samantala, nananatiling bahagi ng impeachment hearing ang kanyang mga pahayag, na ginagamit din sa mga alegasyon laban sa Bise Presidente. Itinatanggi naman ni VP Sara Duterte ang anumang ugnayan kay Madriaga. RNT/MND/Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here