Home METRO Marijuana buking sa bebot sa NAIA

Marijuana buking sa bebot sa NAIA

MANILA, Philippines- Hindi na makalalahok ang isang babaeng tattoo artist mula sa Baguio City sa kompetisyon sa Malaysia matapos maaresto nang madiskubre sa kanyang bagahe ang halos 3.8 gramo ng marijuana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkules ng gabi.

Tutulak sana ang 26-anyos na artist sa Malaysia para sa isang tattoo competition.

Subalit, nang isailalim ang kanyang bagahe sa X-Ray inspection, nabuking ng mga awtoridad ang isang plastic sachet na umano’y naglalaman ngmarijuana.

Nahaharap siya sa kaukulang kaso. RNT/SA