Home NATIONWIDE MARINA naglabas ng karagdagang hakbang dahil sa epekto ng fuel crisis

MARINA naglabas ng karagdagang hakbang dahil sa epekto ng fuel crisis

124
0

MANILA, Philippines – Upang maibsan ang epekto ng krisis sa Gitnang Silangan, ang Maritime Industry Authority o MARINA ay naglabas ng abiso kaugnay sa karagdagang hakbang sa industriya ng maritime.

Sa MARINA Advisory No. 2026-15, nilimitahan sa hanggang 30 porsyento ang maaaring itaas sa pasahe at freight rates batay sa Required Rate Adjustment o RRA.

Para sa agricultural products at iba pang pangunahing bilihin mananatili sa 20 porsyento ang limit.

Inaatasan din ang mga operator na mag-abiso sa MARINA at publiko tatlong araw bago ang anumang taas-singil, habang obligado namang magbaba ng singil kung bababa ang presyo ng langis.

Magpapatupad ng monitoring ang MARINA at papatawan ng parusa ang lalabag.

Agad na epektibo ang kautusan na nilagdaan ni MARINA Administrator Sonia B. Malaluan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here