Home NATIONWIDE Maritime security siniguro ng Coast Guard Malacañang sa Traslacion 2024

Maritime security siniguro ng Coast Guard Malacañang sa Traslacion 2024

MANILA, Philippines – Siniguro ng Coast Guard Station Malacañang na gagawin nito ang lahat ng hakbang para sa seguridad ng lahat ng mga deboto, kasabay ng kanilang maritime security plan sa bisinidad ng Pasig River.

Pinangunahan ng Coast Guard Malacañang ang strategic deployment ng maritime assets para sa kaligtasan ng mga deboto na lalahok sa Pista ng Itim na Nazareno at Traslacion.

Nasa kabuuang 3 High-Speed Response Boats, 4 Small Boats, 2 Jet Skis, at 3 Boat Platforms mula sa Philippine Coast Guard ang itinalaga na susuporta sa security efforts ng pamahalaan.

Sa pakikipagtulungan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ipinwesto rin ang karagdagang 1 Ferry Boat at 4 Speed Boats sa ilog.

Sumuporta rin ang Philippine Red Cross nang maglaan sila ng tatlong floating assets sa pag-asiste sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng mga lalahok sa selebrasyon.

Sa kabuuan, mayroong 18 maritime security at safety floating assets ang ipinosisyon sa Pasig River na tugon sa commitment ng Coast Guard Malacañang, katuwang ang Philippine Coast Guard NCR-CL, MMDA, at Philippine Red Cross.

Hinimok naman ng PCG ang lahat ng mga lalahok sa Traslacion 2024 na makipagtulungan sa mga awtoridad, sumunod sa safety protocols at manatiling alerto sa kabuuan ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno. RNT/JGC