Home ENTERTAINMENT Mark Herras, humabol sa wake ni Lolit!

Mark Herras, humabol sa wake ni Lolit!

258
0

Manila, Philippines- Present si Mark Herras sa huling night ng wake ni Lolit Solis bago i-cremate ang mga labi nito.

Dumating siya pasado alas-otso nang gabi at nagpaunlak sa mga nasa lamay na gustong magpa-picture.

Bagama’t nagka-issue sila ng dati niyang talent manager dahil sa 30,000 pesos, kinumpirma ng aktor na wala siyang naging sama ng loob dito.

Ano nga ba ang mami-miss ni Mark kay Manay Lolit?

“Siyempre, yung walang prenong bibig niya. Kahit saan si Nanay, kapag may gusto siyang sabihin sa ‘yo, sasabihin niya yun.”

Paraan daw ito ng yumaong manager para ipakita na importante ka sa kanya, at hindi dahil gusto niyang ipahiya ka.

Balik acting na si Herras na kinumpirmang may sinu-shoot na indie movie kasama si Baron Geisler, at nitong mga nakaraang buwan ay ilan pang independently produced films ang kanyang naging proyekto.

Pero karamihan ng kanyang oras ay spent on his family, particularly sa second baby nito.

A few months ago ay umingay muli ang pangalan ni Mark nang napabalitang nagsayaw siya sa isang gay bar at nagka-issue pa siya kay Jojo Mendrez.

Sa kabila nito, isang tanyag na university ang kumuha sa kanya bilang guest speaker para payuhan ang mga estudyante tungkol sa diskarte sa buhay lalo na yung mga interesadong pasukin ang showbiz.

Ilan sa celebrities na present rin sa wake nu’ng Monday night ay ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Tonton Gutierrez and Glydel Mercado, pati sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Dumating din sina Benjie Paras, Earl Ignacio, Polo Ravales, Paolo Contis, atbp. Trixie Dauz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here