Home NATIONWIDE Martsa, rally ipinagbabawal sa SONA ni PBBM

Martsa, rally ipinagbabawal sa SONA ni PBBM

224
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na mahigpit na ipagbabawal ang mga martsa at rally sa panahon ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak ang katahimikan ay kaayusan sa panahon ng SONA ng Pangulo.

Ayon kay PCapt. Febie Madrid Spokesperson ng QCPD tatlong grupo ang nakakuha ng permit para magsagawa ng magkakahiwalay na rally sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ngayon Lunes.

Sa ginanap na QCJI forum kanina Huweves sa Quezon City sinabi ni Madrid hindi tulad ng mga nakaraang SONA, hindi papayagang magmartsa ang mga nagpoprotesta sa Commonwealth Ave. sa Quezon City.

“Hindi po papayagan ang mga isasagawang martsa at rally sa araw ng SONA ng Pangulo” sabi pa ni Madrid.

Nabatid pa sa spokeperson ng QCPD na ang mga anti-administration protesters ay pinayagang magsagawa ng programa sa Commonwealth Ave. sa harap ng St. Peter’s Church, habang ang mga pro-government group ay nasa parehong lansangan sa harap ng Sandiganbayan.

Isa pang grupo ang magdaraos ng hiwalay na programa sa People Power Monument.

Sinabi pa ni Madrid na nagdeploy ang QCPD ng mahigit 3,000 personnel sa araw ng SONA ng Pangulong Marcos sa paligid ng Batasan at iba pang lugar.

Ayon pa sa QC police na inaasahang mananatili ang mga nagpoprotesta sa mga itinalagang lugar na tinukoy sa kanilang mga rally permit.

“Mayroon silang itinalagang lugar kung saan sila dapat manatili. Walang martsa … Dapat silang manatili sa lugar na iyon upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko,” sabi pa nito.

Kaugnay nito tiniyak naman ni Allan Cortez ng QC TTMD na mahigit 700 tauhan ng DPOS. Ang itinalaga sa araw ng SONA ni Pangulong Marcos upang makatulong sa kaayusan ng trapiko. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here