Home ENTERTAINMENT Marvin, umalma na rin sa korapsyon!

Marvin, umalma na rin sa korapsyon!

267
0

Manila, Philippines – Parami na nang parami ang mga celebrities na naglalabas ng kanilang pagkadismaya sa laganap na korapsyon sa bansa.

Ito’y sa gitna ng mga natuklasang maanomalyang flood control projects sangkot ang DPWH at ilang contractors na nagpayaman mula sa mga pera ng taumbayan.

Maging ang mga immediate family members ng mga contractor ay damay rin sa public outrage.

Bukod sa mga artistang nauna nang nagpahayag ng kanilang galit, ang latest ay si Marvin Agustin.

Sa kanyang Threads post, sinabi niyang: “Lunod na lunod na tayo–hindi lang sa baha kundi sa korapsyon!”

Gayunpaman, umiral pa rin ang pagiging nationalistic ng actor-entrepreneur.

Dagdag nito: “Haaay, Pilipinas, mahal pa rin kita…ang hirap-hirap lang talaga.”

Umani naman ito ng pagsang-ayon mula sa mga netizens, higit lalo ang karugtong na post ni Marvin.

Saad niya: “Sa dami ng mga nagsasalita, malinaw kung sino ang speaking up with intention at kung sino ang speaking for attention!”

Samantala, umapela naman ang Palasyo na maging mahinahon ang publiko bilang reaksyon sa kilos protesta ng ilang mamamayan na sumugod at nag-vandalize sa isa sa mga kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Discaya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here