Home METRO Mas kaunting kalahok sa Traslacion 2025 inaasahan

Mas kaunting kalahok sa Traslacion 2025 inaasahan

132
0

MANILA, Philippines- Inaasahang mas kaunting deboto ang lalahok sa Traslacion 2025 dahil mas maraming parokya sa buong bansa ang magdaraos ng kanilang sariling mga misa at pagdiriwang, sabi ng isang kinatawan ng Quiapo Church.

Ayon kay Alex Irasga, technical advisor ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, upang mapabilis ang prusisyon na tumatagal ng halos 15 oras, ibinahagi ni Irasga ang mga pagbabago sa karwahe ng Nazareno.

“In-improve din namin yung mga gulong, na para po ba itong luggage lamang na magaan itulak. Kaya itong hilahin ng isang tao,” sabi ni Irasga.

Inilahad din ni Irasga ang pagdaragdag ng mas magandang bentilasyon upang mabawasan ang hamog o moist sa loob ng tempered glass na bumabalot sa Jesus Nazareno.

Nagsimula ang walkthrough, sa pangunguna ng Manila Police District, alas-6 ng umaga sa Quirino Grandstand at tinahak ang ruta patungo sa Quiapo Church.

Layon ng inspeksyon na matukoy ang mga panganib sa kalsada at planuhin ang mga emergency responder stations sa kahabaan ng Traslacion 2025.

Ang Pahalik sa Poong Nazareno ay gaganapin sa Quirino Grandstand mula Enero 7 hanggang 9, na susundan ng Cardinal’s Mass sa umaga ng Traslacion.

Ang prusisyon sa taong ito ay susunod sa parehong ruta noong nakaraang taon, ayon sa mga organizer.

Sinabi ng Philippine National Police na 12,000 hanggang 14,000 tauhan, kabilang ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines, ang ipakakalat upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kaganapan.

Pinaalalahanan ni Irasga ang mga deboto na gamitin ang tamang termino para sa banal na imahen.

Pinaalalahanan din ni Irasga ang mga deboto na gamitin ang tamang termino para sa banal na imahe.

“Hindi na po namin ipinapakalat ang pagtawag sa aming imahe ay itim na Nazareno. Tinatawag po namin itong Jesus Nazareno. Hindi naman kasi siya nagsimula bilang itim,” sabi ng procession organizer. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here