MANILA, Philippines- Ipinahiwatig ni Canada’s immigration minister Marc Miller ang pag-asa na mabebenipisyuhan din ang caregivers na nasa nasabing bansa na mula sa mas mababang language requirement para sa incoming care workers.
Libo-libong Filipino caregivers na naninirahan dito ang hindi makapag-apply para sa permanent residence dahil hindi sila makapasa sa pagsusulit para sa Language Level 5 na itinuturing na intermediate language skill.
Samantala, kailangan lamang makalusot ng incoming caregivers sa Level 4 o ang basic language benchmark, kapag naipatupad na ang polisiya.
Kamakailan, inilahad ni Miller sa isang panayam ang mga pagbabago.
Kinilala niya na hindi patas ang mahigpit na language requirement para sa care workers. Subalit aniya, mananatili muna ang mga alituntunin sa ngayon.
“I don’t want to entertain false hope, or at least mislead people,” wika ni Miller. “There is some work for me to do to assist. That is, I think, one of the main things that I want to attack as a next step.”
Dagdag ni Miller, tutugunan nila ang backlog ng aplikasyon sa interval period sa pagitan ng pagkapaso ng kasalukuyang pilot programs at pagsisimula ng bago.
Nangako rin ang immigration chief ng Canada na sisilipin ang panawagang regularisasyon ng care workers.
Kinilala ni Miller ang pagsusulong ng Filipino community ng mga karapatan ng care workers.
“This is your victory,” pahayag ni Miller. “It is important that it reflects the fairness principle that for anyone being here that we need to, how we treat people. You fought hard for this. It’s something that you should be quite proud of.” RNT/SA