MANILA, Philippines – Umapela si Deputy Majority Leader at TGP Partylist Rep Jose Bong Teves na magkaroon ng mas mahigpit na anti hazing law kasunud ng panibagong insidente ng hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) kung saan 22 kadete ang nasunog ang likuran matapos buhusan ng pinaghalong liquid sosa at muriatic acid.
Ayon kay Teves bukod sa insidente sa PNPA ay isang 19 anyos na maritime student si Mark Kenneth Alcedo mula sa Dasmariñas, Cavite ang nasawi din dahil sa hazing noong Marso 3.
“There’s an urgent need to strengthen the implementation of the Anti-Hazing Law to prevent similar tragedies” pahayag ni Teves.
Sinabi ni Teves na kamakailan ay nakipagpulong sya kina Interior Secretary Jonvic Remulla, Albay 3rd District Rep. Adrian Salceda at TGP Party-List Secretary General Atty. Louie Aseoche upang talakayin ang hakbang para mapigilan na ang hazing.
Ani Teves dapat tuluyan nang mawala ang hazing.
“Fraternity or sorority membership should never result in harm or death”giit nito.
Si Teves ay matagal nang advocate ng no-hazing policy, bilang national Chairman ng Tau Gamma Phi at Tau Gamma Signa Alumni Organization ay nangasiwa sya ng anti-hazing orientation seminar, anti-hazing education campaign at “no-paddle policy”.
“In 2023, we, together with fellow legislators, signed a manifesto of compliance to Republic Act No. 11053( Anti Hazing Act). This reflects our firm commitment to ensure that hazing has no place in our organization,” ani Teves.
Hinimok ni Teves ang mga sangkot sa hazing na harapin ang kanilamg responsibildaid at makipagtulungan sa mga awtoridad.
“It is time we reflect and act to uphold the true meaning of brotherhood,” dagdag pa nito.
Una nang sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr na inaprubahan nito ang pre-charge evaluation laban sa 9 na PNPA officials dahil sa nangyaring hazing sa PNPA.
Kabilang sa iniimbestigahan ay isang brigadier general, isang major general, dalawang colonels, dalawang police majors,dalawang senior master sergeants at isang chief master sergeant.
Ang hazing ay nangyari noong Abril 3 sa loob ng PNPA barracks sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang Cavite, saan 22 freshmen ang nagtamo ng sunog sa kanilang likuran at pwetan.
Tatlong senior cadets ang natukoy nasa likod ng hazing at apat pa ang tinuring na co-conspirator, sinampahan na ito ng kasong paglabag sa Anti Hazing Act. Gail Mendoza