Home NATIONWIDE Mas mahigpit na inspeksyon sa pekeng emergency ng mga ambulansya, iginiit ni...

Mas mahigpit na inspeksyon sa pekeng emergency ng mga ambulansya, iginiit ni Lacson

387
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Panfilo Lacson ang mga awtoridad na magpatupad ng mas maraming random checks laban sa mga pekeng ambulansya, lalo na sa rush hour.

Ayon sa kanya, ang mga ambulansyang may sirena na walang lehitimong emergency ay nakakainis at delikado sa ibang motorista at commuters. Dapat daw hulihin ang mga driver, bawiin ang lisensya, at kasuhan kung kinakailangan.

Naitala na ang isang kaso sa EDSA Busway Santolan station kung saan isang ambulansya ay ginamit lamang bilang shuttle para sa pasyente papunta sa ospital para sa checkup, hindi para sa emergency.

Noong nakaraang taon, iminungkahi rin ni Lacson na ang mga bus sa EDSA busway ay dumaan sa kabilang direksyon upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga hindi awtorisadong sasakyan, kasabay ng maayos na infrastructure para sa kaligtasan ng commuters. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here