Home NATIONWIDE Mas mahigpit na pananagutan ng mga pabaya sa baril, isinusulong ni Zubiri

Mas mahigpit na pananagutan ng mga pabaya sa baril, isinusulong ni Zubiri

1
0

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri ang dalawang panukalang batas na layong palakasin ang karapatan ng mga responsableng gun owner at patawan ng mas mabigat na parusa ang mga may-ari ng baril na napapabayaan ang kanilang mga armas.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1555, magkakaroon ng legal na presumption ng unlawful aggression sa mga kaso ng sapilitang o ilegal na pagpasok sa bahay, sasakyan, o negosyo ng isang tao upang mapalakas ang karapatan sa self-defense.

Samantala, layunin ng Senate Bill No. 1897 na amyendahan ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa pamamagitan ng pagpapaluwag sa ilang regulasyon, kabilang ang pagpapalawak ng mga exemption sa threat assessment certificates, pagtaas ng limitasyon sa bala, pagpapaikli ng election gun ban, pagpapadali ng paglipat ng pagmamay-ari ng baril, isang taong amnestiya sa pagpaparehistro o pagre-renew ng lisensya, at pagpapagaan ng requirements para sa mga lokal na defense manufacturer.

Kasabay nito, nanawagan si Zubiri ng mas mabigat na pananagutan sa mga may-ari ng baril na nagpapabaya sa kanilang mga armas.

“They didn’t pull the trigger, but their negligence paved the way for the tragedy to happen,” aniya.

Ayon sa senador, hindi sapat ang kasalukuyang parusa sa ilalim ng Republic Act No. 10591, lalo na kung ang kapabayaan ay nauuwi sa pagkamatay ng mga inosenteng tao. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here