Home NATIONWIDE Mas malawak na proteksyon sa kabataan online, isinusulong ni Hontiveros

Mas malawak na proteksyon sa kabataan online, isinusulong ni Hontiveros

1
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros ang agarang pagpasa ng panukalang batas na magpapalawak sa proteksiyon ng mga bata laban sa technology-facilitated violence, kabilang ang mga banta na lampas sa online sexual abuse at exploitation.

Ayon kay Hontiveros, dapat ideklarang urgent ang Child Online Safety and Protection Act, na pinalawak na bersyon ng Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) law, dahil sa lumalaking banta ng nihilistic violent extremism (NVE).

“This bill should be certified as urgent. NVE is an alarming new trend that needs immediate action,” ani Hontiveros.

“Passing the amended Anti-OSAEC bill would give law enforcement agencies the tools to apprehend suspects and perpetrators. Huwag na nating hintayin na dumami pa ang school shooting bago umaksyon,” dagdag niya.

Kasulukuyang nasa period of amendments sa Senado ang panukala, habang naipasa na ng House of Representatives ang counterpart bill sa third at final reading.

Sinabi ni Hontiveros na maaaring gamitin ng ilang indibidwal ang digital platforms para i-groom at i-radicalize ang mga bata at posibleng itulak sila sa karahasan.

Bagama’t magkaibang banta ang OSAEC at NVE, aniya, maaari nilang gamitin ang parehong digital platforms at samantalahin ang mga kakulangan sa early detection at child protection.

Sa ilalim ng panukala, palalawakin ang proteksiyon sa mga bata laban sa technology-facilitated violence, hindi lamang sa sexual abuse at exploitation.

“We authored the Anti-OSAEC law to shield our children from different forms of online abuse and exploitation. Ngayong may panibagong banta laban sa kanila, tungkulin nating tugunan ito nang walang pag-aalinlangan,” ani Hontiveros. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here