Home NATIONWIDE Mas marami pang residente inilikas sa quake-hit remote islands sa Japan

Mas marami pang residente inilikas sa quake-hit remote islands sa Japan

283
0

JAPAN – Nasa kabuuang 46 evacuees na ang umalis ng Akusekijima at Kodakarajima sa Japan sakay ng barko nitong Linggo ng umaga, Hulyo 6, matapos ang serye ng malalakas na lindol na tumama sa Tokara chain islands sa Toshima, Kagoshima Prefecture, southwestern Japan.

Ang ferry na pinatatakbo ng naturang bayan, ay dumating sa Kagoshima Port sa prefectural capital city of Kagoshima gabi ng kaparehong araw.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na lumikas sa isla ang mga residente ng Akusekijima, at unang pagkakataon naman para sa Kodakarajima.

Nagsimula ang serye ng mga lindol noong Hunyo 21. Matapos nito ay nakaranas na ang mga isla ng mahigit 1,500 lindol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here