Home NATIONWIDE Mas maraming ‘engagements’ sa India sa climate action, defense sinisilip ng PH

Mas maraming ‘engagements’ sa India sa climate action, defense sinisilip ng PH

MANILA, Philippines- Pinag-iisipan ng Department of National Defense (DND) na magtatag ng mas malakas na climate change mitigation cooperation sa Indian counterparts nito, maliban sa pagpapalakas ng ‘defense ties’ sa South Asian country.

“For his part, as the Chairperson of the National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), Secretary (Gilberto) Teodoro (Jr.) highlighted the possibility of cooperation between the Philippines and India on climate change mitigation to help secure vulnerable internal and external supply chains,” ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong.

Nauna rito, nakapulong ni Teodoro si Indian Minister of External Affairs Dr. Subrahmanyam Jaishankar at ang delegasyon nito noong Marso 26 sa DND headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“Both officials looked forward to more robust defense and military engagements, particularly the conduct of ministerial-level meetings,” ayon kay Andolong.

Maliban dito, pinasalamatan naman ni Teodoro ang patuloy na suporta ng India para sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea/South China Sea issue.

“Minister Jaishankar reaffirmed India’s commitment to upholding a rules-based international order and promoting peace and security in the Indo-Pacific Region,” ayon kay Andolong.

Kinilala rin ni Teodoro ang papel ng India sa nagpapatuloy na modernization efforts ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na binigyang-diin sa pagbili ng Pilipinas ng tatlong baterya ng BrahMos cruise missile system na gagamitin para sa Shore-Based Anti-Ship Missile System (SBASMS) ng Philippine Navy.

Nakatakda itong dumating sa bansa ngayong taon.

“As the Philippines continues to develop its own credible defense posture, Secretary Teodoro acknowledged India’s contribution to this effort, particularly through its participation in the modernization of the AFP,” diing pahayag ni Andolong.

Kasunod ng mas pinalalim na tanggulan at military relations, kapwa sumang-ayon ang mga opisyal na i-convene ang multi-level dialogue mechanisms, magsagawa ng practical cooperative activities na nakatuon sa capability development, at itaas ang education at training exchanges.

Samantala, ibinahagi naman Dr. Jaishankar ang best practices ng Information Fusion Centre-Indian Ocean Region (IFC-IOR) ng India sa pagsusulong ng regional maritime safety sa pamamagitan ng ‘information sharing’ at kolaborasyon sa hanay ng member countries. Kris Jose

Previous articleSens. Go, Tolentino, Dela Rosa: Samal Island power problem, talupan
Next articlePagpapalawak ng MC taxi tablado kay Sen. Poe