MANILA, Philippines – Nakatakdang magtayo ng mas matibay na tulay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang kapalit ng nasirang Bridge of Promise sa Batangas City.
Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, na nagsagawa ng inspeksyon sa tulay nitong Lunes, na ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palitan ang tulay.
Nakitaan na ng mga palatandaan ng pagkasira ang tulay, na nagsisilbing pangunahing ruta ng mga residente mula Barangay Kumintang Ibaba patungo sa Barangay Gulod Labac.
Kaugnay nito, sinabi ni Dizon na humiling ang ahensya ng P300 milyon para sa 2027 budget upang palawakin at palakasin ang tulay, kabilang ang karagdagang mga lane.
Ayon kay Dizon, magdaragdag ng dalawang lane kaya magiging apat na lane na ito kapag nakumpleto at naayos. Jocelyn Tabangcura-Domenden