Home METRO ‘Mass grave’ sa NBP tatalupan ng Senado

‘Mass grave’ sa NBP tatalupan ng Senado

MANILA, Philippines- Sisimulan ng Senado ang imbestigasyon nito sa posibleng mass grave sa loob ng New Bilibid Prison’s maximum security compound sa Martes, Agosto 8.

Magsasagawa ng pagdinig ang Committee on Justice and Human Rights sa pangunguna ni Sen. Francis Tolentino.

Matatandaang naghain ang senador ng resolusyon na nagtutulak ng imbestigasyon sa posibleng mass grave matapos madiskubre ang bangkay sa loob ng isang septic tank sa paghahanap sa nawawalang preso.

Nais ding busisiin ng komite ang mga insidente kamakailan sa Bureau of Corrections na maaaring makakompromiso sa seguridad at kaligtasan ng persons deprived of liberty sa national penitentiary.

Inaasahang magsasagawa rin ng pagdinig ang Kamara sa susunod na linggo. Sinabi ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na tatalakayin ito sa Huwebes. RNT/SA