Home HOME BANNER STORY Mass immigration raids, kilos-protesta binabantayan ng PH Consulate sa LA

Mass immigration raids, kilos-protesta binabantayan ng PH Consulate sa LA

NEW YORK — Mahigpit na binabantayan ng Philippine Consulate General sa Los Angeles ang malawakang immigration operations na kasalukuyang isinasagawa ng US federal authorities sa ilang lokasyon sa California county, na naging bunsod ng tensyon at mga kilos-protesta.

Ayon kay Consul General Adelio Angelito Cruz, bineberipika pa ng konsulado ang mga ulat na isa ang Filipino national sa dose-dosenang naaresto sa coordinated raids na pinangunahan ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE).

Batay sa inisyal na ulat mula sa US federal immigration authorities, kabilang ang isang 55-anyos na Filipino national mula sa Ontario, California, sa isinailalim sa kustodiya nito. Mayroon umanong nakabinbing notice to appear sa immigration court, nauna na umanong sinintensyahan ang indibidwal ng apat na taong pagkakakulong dahil sa burglary at kasalukuyang nagsisilbi ng 37 taong prison sentence para sa sexual penetration with a foreign object by force at assault with intent to commit rape, mula sa isang insidente na naganap sa lungsod ng Pomona.

Nagdulot ang ICE operation, nagsimula noong Biyernes, ng mga kilos-protesta sa Los Angeles area. Nagtipon ang advocacy groups at immigration rights supporters at kinondena ang tinawag nilang “excessive and discriminatory” enforcement practices.

Upang asistihan ang federal agents, mahigit 2,000 National Guard troops ang idineploy sa iba’t ibang bahagi ng California, partikular sa Los Angeles, sa pagpapatuloy ng mga raid.

Sinabi ng Philippine Consulate na nananatili itong alerto sa pag-monitor sa developments at magbibigay ng consular assistance sakaling kailanganin ng Filipino nationals. RNT/SA