Home NATIONWIDE Masusing inspeksyon sa lahat ng istraktura sa Maynila iniutos ni Mayor Lacuna

Masusing inspeksyon sa lahat ng istraktura sa Maynila iniutos ni Mayor Lacuna

129
0

MANILA, Philippines – Iniatas ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa lahat ng building at fire officials na magsagawa ng masusing inspeksyon sa lahat ng instraktura sa Lungsod ng Maynila.

Ang naturang kautusan ay bunsod sa naganap na trahedya na nagresulta sa pagkakasawi ng nasa 11-katao sa naganap na sunog sa isang residential-commercial building sa Carvajal St., Binondo, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

“The structures at highest fire risk especially those buildings that are at least 15 years old will be prioritized in the inspection to determine their compliance with the National Building Code and the Revised Fire Code of the Philippines,” pahayag ni alkalde.

“These checks are to ensure strict compliance with existing building and fire regulations, aiming to prevent such incidents from occurring in the future and to safeguard the well-being of our residents,” dagdag pa ni Lacuna.

Ayon sa alkalde, hinihintay nila ang opisyal na ulat mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang lubos na maunawaan ang mga pangyayari na nakapalibot sa malagim na pangyayaring ito. Kinumpirma naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) na naapula ang sunog dakong alas-10:00 ng umaga.

“Agad na pong nagpadala ng tulong ang Manila Social Welfare and Development (MSWD) upang alalayan ang pamilya ng mga nasawi at nawalan ng ari-arian, kabilang sa hatid ng MSWD ang psycho-social, medical, at financial aids,” ayon pa kay Mayora.

“Muli, taos pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nawalan. May the souls of the departed rest in peace,” saad ni Lacuna. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here