Home METRO Mataas na opisyal ng NPA, 3 pa sumuko sa Caraga

Mataas na opisyal ng NPA, 3 pa sumuko sa Caraga

Isang mataas na opisyal ng Sub-Regional Committee Northland sa ilalim ng North Eastern Mindanao Regional Committee ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa headquarters ng 30th Infantry Battalion (30IB) ng Army sa Surigao del Norte, sinabi ng Army nitong Huwebes, Marso 14.

Sa isang pahayag, sinabi ng Army’s 901st Brigade (901Bde) na si NPA regional secretary Juanita Leyson ay sumuko sa headquarters ng unit sa Barangay Mahanub, Gigaquit town, noong Lunes.

Kasama ni Leyson ang tatlo pang kasama niya– sina Rajem Pertos, Jezalyn Platil, at Pegi Diaz.

Sa pagsuko, iniabot ni Leyson at ng kanyang grupo ang isang bushmaster rifle, isang AR-15 rifle, mahigit 1,000 rounds ng iba’t ibang bala, bulletproof vests at iba pang war material.

Sinabi ni Brig.Gen. Arsenio Sadural, 901Bde commander, na ang pagsuko ni Leyson ay isang “crucial step” para makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Caraga. RNT

Previous articleEconomic Cha-cha hahamunin sa Korte Suprema
Next articleWarrant of arrest vs Quiboloy ilalabas na ng Kamara