Home OPINION MATAGUMPAY NA MEDICAL MISSION SA INDANG

MATAGUMPAY NA MEDICAL MISSION SA INDANG

NABIYAYAAN din ng Hospital Field Services or medical mission program ni Senator Risa Hontiveros ang bayan ng Indang, Cavite. Anim na araw ang naganap na medical mission sa pamamagitan ni Indang ABC President Virgilio Fidel o mas kilala sa tawag na Kapitan Vergel “Action Man” Fidel.

Sa bawat umaga nang anim na araw na medical mission ay nagkaroon ng munting palatuntunan na pinadaloy ni Ka Rex Del Rosario,  political officer ni  Hontiveros sa Cavite.

Nagsalita sa palatuntunan sina Job Bordamonte, National Director ni Hontiveros, ABC President Vergel Fidel, mga Konsehal ng Bayan na sina Ferdi Papa, Nilo Telmo,  Onad Bernarte,  Issel Romea Borja,  Amil Herrera at Danny Masangcay.

Nagpakita rin ng suporta sina SK President Junuel Ayos, dating SK President Keann Feraer at Joel Carungcong ng Team Action Man.

Samantala, dumating din sina Jane Claudine Tabo,  consultant ni Hontiveros sa Cavite kasama si Rommel Mengoy.

Nakasuporta at nangasiwa sa registration sa loob ng anim na araw ang mga Sangguniang Bayan Secretaries na sina Eldy, Mhay, Michelle, Charmaine, Johan,  Ian, Khimpee, Mutya at pati na rin si Kuya Obet.

Sumuporta rin ang iba’t-ibang Kapitan at Sangguniang Barangay mula sa 36 barangay ng Indang, ganoon din ang kapatiran The Fraternal Order of the Eagles – El Matador Eagles Club sa pangunguna ni Jose Joezel Pareño, Anthony, Edzel,  Oteph, Dr. Oscar, Dr. Omar, Jayson, Ryan,  Rolly,  Jhonny,  Jedzkie, Wilma, Dr. Nitz at Michelle.

Sa huling araw ng medical mission na ginanap sa Brgy. Lumampong Balagbag ay marami ang dumagsang nagpagamot, kaya naman todo asikaso ang pamunuan ng barangay na sina Kapitan Noli Librea at mga kagawad  sina Felix Bago, Nardo Espineli, Narvin Gonzales, Marivic Vicedo, Andy Mendoza, Rommel Bago, Gerardo Ren at SK Chairperson Louela Isidro.

Tumulong din ang kanilang BHW na sina Mercy Saroza, Myrna Diaz, Vero Mendoza,  Nancy Ruiz, Margie Julongbayan at mga Tanod.

Maraming salamat naman sa 1Life Medical Team na pinamumunuan ni Roxan Aldacan at  medical staff na sina Victoria Mejia, Elizabeth Edrada, Ryan Vince Valler Hubo,  Jake Manliguez,  Elna Morales, Jeannie Malong, Beverly Balodong, Trixie Flandes at Abdul Razim Pantiran.

Gayundin ang pasalamat sa IT staff na sina Santos Pili,  Aldamer Sawadjaan, Patricia Cantona  Shaine Balbarino  at sa medical doctors na sina Dr. Gap Ragudo, Dr. Fatima Concepcion at Dr. Harley Darren Rabaya, at driver na si  Rodel Marcelino.

Magpapatuloy ang medical mission program ni Sen. Hontiveros sa pag-ikot sa bawat bayan at lungsod sa Cavite maging sa buong bansang Pilipinas para makapaghatid ng libreng serbisyong medikal.