Home ENTERTAINMENT Matet, may pahiwatig sa pagiging ‘kapatid’ kay Lan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Matet, may pahiwatig sa pagiging ‘kapatid’ kay Lan!April 27, 2026 12:121030 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Tila may insinuation o pahiwatig si Matet de Leon tungkol sa estado nilang magkakapatid.Sa isyu kasing kinakaharap nina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth de Leon—o silang apat na adopted children ni Nora Aunor—tila may nabago na.It’s them four laban sa totoong anak na si Lan de Leon.Lalo pang nabuo ang usap-usapan ng tensyon sa magkakapatid with Matet’s statement on their visit sa puntod ng ina sa Libingan ng mga Bayani.Ayon mismo kay Matet, napag-isipan na raw nilang apat na huwag nang sumabay sa pagdalaw doon lalo na sa tuwing may okasyon.Aniya: “Mula ngayon, hindi na kami pupunta sa LNMB pag may okasyon. Day before or day after na lang. Lesson learned.”Ang Facebook post na ‘yon ay bunsod sa pamba-bash sa itsura ng kanyang tatlong anak.Samantala, agaw-atensyon sa LNMB si Jaden, anak ni Lan de Leon na pinagkaguluhan ng mga Noranians who had pictures taken with him.Artistahin ang itsura ng napaka-poging “mini Lan” na napaka-game maki-mingle sa tao.When asked kung magso-showbiz din ba ito, ani Lan ay hindi naman siya tutol but for now ay okey munang lumabas-labas ang anak sa mga TV commercials.Close din kaya si Jaden sa mga pinsan niya? Ronnie Carrasco III