Home METRO Matinding El Niño, posibleng magpababa sa tubig ng Angat Dam sa 2027

Matinding El Niño, posibleng magpababa sa tubig ng Angat Dam sa 2027

1
0

BULACAN, Philippines – Posibleng maranasan ang epekto ng very strong El Niño sa Angat Dam sa Hunyo o Hulyo 2027, o mas maaga pa, na maaaring magpababa sa lebel ng tubig nito.

Ayon kay Ma. Theresa Sera, manager ng Dam Management Department ng NAPOCOR, may posibilidad na maulit ang matinding tagtuyot na naranasan sa kaparehong mga buwan ngayong 2026.

Dahil dito, naghahanda na ang NAPOCOR sa pamamagitan ng patuloy na pagmo-monitor sa kalagayan ng dam at pag-aaral sa alokasyon ng tubig para sa mga nangangailangan.

Sa ngayon, sapat pa ang suplay ng tubig ngunit hindi matiyak kung mananatili itong sapat dahil inaasahang mas kaunti ang pag-ulan sa susunod na taon.

Bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaang panlalawigan, binisita ni Governor Daniel Fernando, kasama si PDRRMO head Ret. Col. Manuel Lukban Jr., ang Angat Dam upang alamin ang sitwasyon at mga hakbang laban sa posibleng epekto ng El Niño, partikular sa suplay ng tubig.

Hinikayat nina Sera at Fernando ang publiko at mga negosyo na magtipid sa paggamit ng tubig. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here