Home ENTERTAINMENT Matteo, bet amuyin ang kilikili ni Sarah!

Matteo, bet amuyin ang kilikili ni Sarah!

186
0

Manila, Philippines – Tulad ng kanyang nasabi sa panayam sa kanya sa isang vlog, tinotoo ni Matteo Guidicelli ang kanyang tinuran na sasabak na rin siya sa vlogging.

Kailangan din kasi ito sa kanyang trabaho lalo pa’t ang kanyang G Studios na mina-manage niya ay isang venue for high-tech podcast kung saan puwedeng ganapin doon ang interviews, pictorials at iba pang events.

Sa kanyang vlog, pinakita ni Matteo ang kanyang tipikal na araw kung saan pagpasok pa lang ay kinukumusta na niya at binubusisi ang kanyang mga empleyado.

Then, hindi naman nakaligtas sa viewers nila ang kanilang lambingan ng misis na si Sarah Geronimo sa isang couch.

While on break, nakita sa vlog kung gaano kalambing ang actor at host sa Popstar Royalty.

May pagkakataong kinukulit niya si Sarah at masuyong inaamoy ang kilikili ng huli.

Sa pagkawili naman ni Sarah, makikitang natatawang hinahampas ng “Tala” singer ang kanyang hubby.

Hindi naman nakalampas ang eksenang ito sa mga nagmamarisol.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Ang sarap naman nilang panoorin. Ang gaan-gaan ng vibes.”

“Fetish ba ni Matteo ang kilikili ni Sarah. Hahaha.”

“Sexual signal daw iyan na nagyayaya si mister. Hahaha.”

“Ang bango-bango siguro ng kilikili ni Sarah.”

“At nakikiliti naman si Sarah. Hehe.”

“Could you consider it flirting?”

“Wala namang masama dahil husband and wife naman sila.”

“Very touchy din pala si Matteo. Iyon siguro ang love language niya.”

“Ganyan talaga ang mga Cebuano, malambing.”

“Sana nga magka-baby na sila.”

“Ngayon ko lang nadiskubre, she’s very fond of Sarah’s armpit.”

“Ang sweet naman ng couple na ito.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here