Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, mga pag-ulan asahan sa Habagat

Maulap na kalangitan, mga pag-ulan asahan sa Habagat

319
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, Hulyo 15.

Samantala, sinabi ng PAGASA na mayroon itong minomonitor na tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang tropical depression ay namataan sa layong 1,925 kilometro silangang hilagang silangan ng extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong pa-hilaga sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Sa lagay ng panahon, ang Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Occidental Mindoro, Romblon, Palawan, at Southern Leyte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil din sa Habagat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here