MANILA, Philippines- Inaasahang magdudulot ng pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa bansa ngayong Miyerkules, ayon sa weather bureau PAGASA.
Sinabi nitong iiral sa Mindanao at Palawan ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan bilang resulta ng ITCZ.
Magdudulot naman ang easterlies ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Eastern Samar.
Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa easterlies.
Hanggang alas-2 ng madaling araw, sinabi ng PAGASA na may binabantayang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility na maliit ang posibilidad na maging tropical depression sa susunod na 24 oras.
Sumikat ang araw ng alas-5:27 ng umaga at lulubog ng alas- 6:18 ng hapon. RNT/SA